Ang Patyo sa Labas ng

Tabernakulo

Aklat ng Exodo - Part 34 • Exodo 27:1-5; 29:12; 38:8; 30:17-21 • Hulyo 26, 2020

 
 
 

Exodo 27:1-5 MBBTAG

1 “Gumawa ka ng isang altar na yari sa punong akasya; 2.2 metro ang haba, ganoon din ang lapad, at ang taas ay 1.3 metro. Ang apat na sulok niyon ay lagyan mo ng tulis na parang sungay. Gawin mo itong kaisang piraso ng altar at balutin mo ng tanso. Gumawa ka rin ng mga kagamitang tanso para sa altar: lalagyan ng abo ng sinunog na taba, ng pala, palanggana, malaking tinidor at lalagyan ng apoy. Gumawa ka rin ng parilyang tanso, at ang bawat sulok nito ay kabitan mo ng isang argolyang tanso na siyang bitbitan, at ikabit mo ang parilya sa ilalim ng tuntungan ng altar.

Exodo 29:12 MBBTAG

12 Kumuha ka ng kaunting dugo nito at sa pamamagitan ng iyong daliri, pahiran mo ng dugo ang mga sungay ng altar. Ang matitirang dugo ay ibuhos mo sa paanan ng altar.

Exodo 38:8 MBBTAG

Gumawa nga siya ng palangganang tanso, at tanso rin ang patungan. Ang ginamit niya rito ay tansong ginagamit bilang salamin ng mga babaing tumutulong sa mga naglilingkod sa pintuan ng Toldang Tipanan.

Exodo 30:17-21 MBBTAG

17 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 18 “Gumawa ka rin ng palangganang tanso at ng tansong patungan nito. Ilagay mo ito sa pagitan ng altar at ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, lagyan mo ito ng tubig. 19 Ito ang gagamitin ni Aaron at ng kanyang mga anak sa paghuhugas ng kanilang paa't kamay. 20 Kailangang sila'y maghugas bago pumasok sa Toldang Tipanan o bago magsunog ng handog sa altar. Kung hindi, sila'y mamamatay. 21 Kailangan ngang maghugas muna sila ng paa't kamay upang hindi sila mamatay. Ito'y tuntuning susundin nila at ng kanilang lahi habang panahon.”

Notes

Ang Tabernakulo, ang tahanan ng Diyos, ay may tatlong kompartimento; ang panlabas, ang dakong banal, at ang kabanal-banalan. Ang bawat kompartimento ay may kasangkapan na gamit sa pagsambang seremonyal na ito ay bahagi sa kanilang kautusan. Ang mga seremonya at ang pagka saserdote (pagka-pari) ay naisakatuparang lahat ni Cristo. Sina Moises at ang mamamayan ang gumawa ng Tabernakulo ayon sa disenyo ng Diyos. Ating malalaman ang pagkahilera o pagkakatulad nito sa ating pananampalataya at pagsasagawa ng Bagong Tipan kay Cristo.

  1. Ang dakong panlabas ay merong dalawang bagay ng mga kasangkapan. Sa pagpasok sa bakuran ay makikita ang Tansong Altar na tinatawag ding Palangganang Tanso. Ang susunod na kasangkapan ay ang Hugasang Tanso, kung paanong ito ang Altar ng Paghahandog at ang daan patungo sa Dakong Banal.

    Ang bawat detalye sa Tabernakulo ay may mahahalagang kahulugan sa atin na nakapaloob sa Bagong Tipan. Hilingin natin sa Diyos ang karunungang maunawaan ito at pahalagahan natin ang Kanyang disenyo. Ang bawat bagay na nasa Tabernakulo ay tumutukoy sa Mesiyas. Nawa’y matutunan nating pag-aralan at pahalagahan ito.

  2. Ang Tansong Altar ay pinag-aalayan ng inosenteng hayop para sa katubusan ng kanilang kasalanan. Doon din isinasagawa ang pagsusunog ng taba ng hayop bilang mabangong samyo sa pag-aalay sa Panginoon. Ang mga saserdote ay nagwiwisik ng dugo ng hayop sa paligid ng mga sungay ng dambana (27:1-5; 29:12; Levitico 17:11)

    Ang kasalanan ay marapat na pagbayaran ng isang walang kamalayang paghahandog. Noon, sila’y nag-aalay ng hayop na walang batik sa tansong altar. Subalit ngayon, ang sukdulang pag-aalay ay ang ginawang pagtubos ni Cristo (Roma 3:25; Hebreo 10:12-14). Tanging sa mga taong merong tunay na pananalig ang nakikinabang mula sa Kanyang sapat na pag-aalay (Roma 5:1).

  3. Ang Palangganang Tanso, ang salamin na ginagamit ng mga babaeng tumutulong sa paglilingkod ay gawa sa tanso (38:8). Ito ang hugasan ng kamay at paa ng mga saserdote na pumapasok sa Tabernakulo upang mag-alay o kaya’y doon na sila mamamatay. At sa pag-alis, ang mga saserdote ay muling naghuhugas ng kanilang kamay at paa (30:17-21).

    Inililigtas ni Cristo sa pamamagitan ng paghuhugas ang mga nagbabagong buhay at binabago ng Banal na Espiritu (Tito 3:5). Kaya nga ang pagsilang na muli ay marapat sa atin, kung paanong ito ay gawa ng Espiritu Santo. Ang salita ni Cristo ay tubig (Juan 15:3; Efeso 5:26). Ang sinumang tao na tunay ang kaligtasan ay hinugasan ng salita ni Cristo. Ang muling kapanganakan ay minsan lamang nagaganap. Ang kabanalan (sanctification) sa pamamagitan ng salita ay ang patuloy na proseso ng ating buhay.