Ang Dakong Kabanal-banalan (sa Tabernakulo) 

Aklat ng Exodo - Part 36 • Exodo 25:10-22 • Agosto 9, 2020

 
 
 

Exodo 25:10-22 MBBTAG

10 “Gumawa kayo ng isang kaban na yari sa akasya: 1.1 metro ang haba, 0.7 metro ang luwang, at 0.7 metro ang taas. 11 Balutin ninyo ito ng lantay na ginto sa loob at labas, ang mga labi naman ay lagyan ninyo ng muldurang ginto. 12 Gagawa rin kayo ng apat na argolyang ginto na ikakabit sa apat na paa ng kaban, tigalawa sa magkabila. 13 Gumawa rin kayo ng kahoy na pampasan na yari sa akasya, babalutin din ito ng ginto 14 at isuot ninyo ang mga ito sa mga argolya sa magkabilang gilid ng kaban upang maging pasanan nito. 15 Huwag ninyong aalisin sa argolya ang mga pasanan. 16 Ang dalawang tapyas na bato ng kasunduang ibibigay ko sa iyo ay ilalagay mo sa kaban.

17 “Gumawa ka ng Luklukan ng Awa na yari sa purong ginto. Ang haba nito'y 1.1 metro, at 0.7 metro naman ang luwang. 18 Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito, 19 tig-isa sa magkabilang dulo. Ihihinang ang mga kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay maging iisang piraso. 20 Gawin mong magkaharap ang dalawang kerubin na parehong nakatungo, at nakabuka ang mga pakpak na nilulukuban ang Luklukan ng Awa. 21 Ilalagay mo ito sa ibabaw ng kaban na kinalalagyan ng dalawang tapyas na bato ng kautusang ibibigay ko sa iyo. 22 Doon tayo magtatagpo sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita.

Notes

Ang kabanal-banalang dako ay maitutulad sa silid ng trono. Ang bayang Israel ay walang hari sa panahong ito. Ang Diyos ang tanging hari. Ang dakong kabanal-banalan ay naglalaman ng dalawang kasangkapan: ang Kaban ng Tipan at ang Luklukan ng Awa. Bagamat ito ay dalawa, tinutukoy ng Kasulatan na ito’y isang kasangkapan. Parehong kilala bilang Kaban ng Tipan. Dinadala ng Israel ang Kaban ng Tipan sa mga digmaan, at sila’y nagtatagumpay sa maraming labanan. 

Ang Kaban ng Tipan ay banal, ito’y itinuturing nang may malalim na pagpapahalaga, subalit hindi ito sinasamba ng mga Israelita. Kapag ito’y hindi nila nirespeto ay may kaukulang kahihinatnan. Minsan ay nahawakan ni Uza ang Kaban ng Tipan, siya ay pinatay ng Diyos (2 Samuel 6:6-7). Sa dahilang nakalimutan nila ang tamang pagdadala nito ayon sa paraang ipinakita ng Diyos.

  1. Ang Kaban ng Tipan ay naglalaman ng mga Pahayag, ang Sampung utos, na nangangahulugan na ang Diyos ay namamahala nang may katarungan. Ito ang anino ng Kaban ng Tipan na nasa langit (Pah.11:19). 

    Ang layunin ng Kautusan ay nagpapahayag ng kasalanan (Roma 3:20). Ibinigay ng Diyos ang kautusan upang maunawaan natin kung ano ang kasalanan. At ang Diyos ay napopoot sa kasalanan (mga paglabag). Ating unawain, na Siya ay Diyos ng katarungan na galit sa kasalanan. Kung kaya’t dapat na tayo ay matakot sa Kanya.

  2. Ang Luklukan ng Awa ay ang takip na nakataklob sa Kaban ng Tipan na nakapaloob doon ang Pahayag. Maaaring ipalagay na bagama’t ang Diyos ay namamahala nang may katarungan, makikita din na Siya’y mahabagin sa gitna ng paghatol. Gayon pa man, ang dalawa ay kinakailangan. 

    Ang biyaya ng Diyos ay kay Cristo lamang matatagpuan. Siya ang katuparan ng Luklukan ng Awa. (Juan 20:11-12). Sa gayon, ang tao ay dapat na manalig kay Cristo lamang para sa walang katapusang kaligtasan. Ang Kanyang perpektong pag-aalay ng sarili ay sapat para sa kasalanan ng sangkatauhan subalit ito’y taglay lamang nang sinumang nananalig. Kaya nga, manalig tayo sa Kanyang biyaya o kagandahang loob.

  3. Ang Diyos ay nakikipagniig sa Kanyang mamamayan sa ibabaw ng habag ng trono, na nangangahulugang Siya’y nahahabag sa ibabaw ng Kanyang hatol. Ang Diyos ay mahabagin sa Israel, gayunman ay ihahayag ng Diyos ang Kanyang biyaya sa pamamagitan ni Cristo sa lahat ng mga mamamayan. 

    Ang presensiya ng Diyos sa ating panahon ay nananahan sa loob ng Kanyang iglesia at sa mga tunay na mananampalataya. Ang iglesia ay dapat magdiwang sapagkat ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang habag at biyaya o kagandahang loob. Subalit hindi dapat kalimutan ng mga mamamayan ng Diyos ang Kanyang hustisya. Gayunman, ang dugo ni Cristo ay nahugasan ang ating mga kasalanan. Purihin natin ang Diyos!