Pagbabalik Tanaw sa Tabernakulo 

Aklat ng Exodo - Part 37 • Exodo 25:1-9 • Agosto 16, 2020

 
 
 

Exodo 25:1-9 MBBTAG

1 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila ng kaloob sa akin at tanggapin mo ang mga buong pusong inihandog nila. Ito ang kanilang ihahandog: ginto, pilak, tanso; lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula; mga pinong telang lino at hinabing balahibo ng kambing; balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at kahoy na akasya; langis para sa ilawan at pabangong panghalo para sa langis na pampahid at para sa insenso. Maghahandog din sila ng mga alahas na kornalina at mga mamahaling alahas na pampalamuti sa efod at sa pektoral ng pinakapunong pari. Ipagpagawa mo ako ng santuwaryo na titirhan kong kasama nila. Ang santuwaryo at ang lahat ng kagamitang ilalagay roon ay gagawin mo ayon sa planong ibibigay ko sa iyo.

Notes

Ipinag-utos ng Diyos na gumawa ng Santuwaryo para sa Kanyang Presensiya sa piling ng Israel. At sa pagkagawa nito ay ibabatay ayon sa Kanyang disenyo. Pinagpala ng Diyos ang mga pangangailangan ng Kanyang mamamayan, subalit inutusan din sila na magbigay para sa pagsasagawa ng Kanyang tahanan. Tayo’y magbalik tanaw sa mga bagay na makikita sa Tabernakulo.

  1. Ang Dakong Kabanal-banalan. Dalawang kasangkapan ang naroroon: ang Kaban ng Tipan at ang Luklukan ng Awa. Ang dalawang kasangkapan ay parehong kilala bilang Kaban ng Tipan. Nakapaloob sa Kaban ay ang Pahayag, ang Kasunduan, subalit ito ay nalulukuban ng Luklukan ng Awa.

  2. Ang Dakong Banal. Tatlong kasangkapan ang makikita: ang Sunugan ng Insenso, ang Mesa ng Handog na Tinapay, at ang Gintong Ilawan. Ang ilawan ang nagbibigay liwanag sa madilim na silid. Ang mga saserdote ay doon kumakain ng tinapay sa presensiya ng Diyos, at ang insenso naman ay patuloy na mayroong ningas.

  3. Ang Patyo o Labas na bahagi. Dalawang kasangkapan ang naroroon: ang Tansong Palanggana ng hugasan at ang Palanggana ng Tansong altar o pinag aalayan. Sila ay nag-aalay ng walang kapintasang hayop, kinakatay ito bilang katubusan para sa kanilang mga kasalanan. Ang mga saserdote ay naghuhugas ng kanilang mga kamay at mga paa sa palanggana bago at pagkatapos lumabas sa tolda, at kung hindi, sila ay doon na mamamatay. 

Pagsasabuhay

  1. Namumuno ang Diyos nang may katarungan. Kaya nga’t iginagalang natin ang Kanyang hustisya at kabanalan. Tayo’y buong puso na sumunod sa Kanya ayon sa ilalim ng Kanyang kagandahang loob. 

  2. Manalig na ang Diyos ay puno ng habag sa Kanyang pamumuno. Si Cristo ang habag ng Diyos, kung paanong ang Hustisya at Kabanalan ay sa Kanya lamang matatagpuan. Kaya nga’t manalig at sumunod tayo kay Cristo. 

  3. Ang ating pananalangin ay dapat nagpapatuloy, at ang ating mga buhay ang maging handog na buhay sa Diyos. Kaya’t marapat na ang ating panalangin at pagsamba ay nakabatay sa Banal na Kasulatan.

  4. Alalahanin natin palagi ang ating Tipan kay Cristo, kasama ang Kanyang mga mamamayan. Tayo’y tumulong din sa Gawain ng Diyos nang sa gayon ay matustusan din ang mga manggagawa ng Diyos. 

  5. Si Cristo ang liwanag ng sanlibutan. Sinabi din Niya na tayo’y ilaw ng sanlibutan. Kaya’t magningning tayo ng liwanag ni Cristo upang maipangaral natin ang Magandang Balita sa sanlibutan. 

  6. Ang tubig na Kanyang salita ay bumabago (kabanalan) sa atin. Tayo ay hinuhubog ng Diyos sa kapangyarihan ng Kanyang Salita, kaya’t pagnilay-nilayan, basahin, pag-aralan, at ating ipamuhay ang Salita ng Diyos. 

  7. Ang ating pananampalataya ay batay sa mga tinapos nang gawa ni Cristo. Siya ang walang kapintasang sakripisyo upang matubos tayo sa kasalanan. Ating alalahanin palagi, ikalugod natin, at ipahayag ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. 

  8. Sa atin nananahan ang Diyos. Ang bawat bagay sa ating mga buhay ay marapat sa disenyo ng Diyos na matatagpuan sa Bana na Kasulatan.