Kasipagan, Pag-ibig at

Paglilingkod 

Sulat sa Mga Hebreo - Part 12 • Mga Hebreo 6:9-12 • Enero 24, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Ang may-akda ng Hebreo ay nagbigay ng masidhing babala sa sinumang tumatalikod at napapalayo kay Cristo. Imposibleng mapanumbalik ang mga tumalikod sa kanilang pananalig dahil ito ay malinaw na pagrerebelde kay Cristo. Malubhang kalagayan ang kahihinatnan nito. Sa sinumang hayagang lumalabag sa Ebanghelio ay hindi tunay na kapanalig. Sila ay tila mukhang mananampalataya sa panlabas na anyo, ngunit sila ay mga huwad. 

Pagkaraan ng mahigpit na babala, ang may-akda ay nagbago ng kanyang tinig sa positibong pahayag. Siya ay naniniwala na ang sinumang nananatili sa komunidad ay kakaiba mula sa mga tumatalikod. Ang mga nananatili ay magdaranas ng diskriminasyon sa lipunan at pang-ekonomiya, maging sa pisikal na persekusyon sa halip na itakwil si Cristo. Kahit ang tono ng may-akda ay dati nang nagbibigay babala, tinitiyak niyang na nasa mas mabuting kalagayan patungkol sa kaligtasan ang mga sinulatan (6:9). Kaya’t ang mga kasunod na kataga ng may-akda ay nagsilbing paala-ala sa mga gagawin ng tunay na mga mananampalataya. 

Eddie Labios Jr. Pastor

 
 
 

Mga Hebreo 6:4-8 MBBTAG

9 Mga minamahal, kahit ganito ang sinasabi namin, natitiyak namin na nasa mas mabuti kayong kalagayan patungkol sa inyong kaligtasan.10 Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos. 11 Ang nais namin ay patuloy na magsumikap hanggang wakas ang bawat isa sa inyo upang makamtan ninyo ang inyong inaasahan. 12 Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya.

Notes

Ang may-akda ng Hebreo ay nagbigay ng masidhing babala sa sinumang tumatalikod at napapalayo kay Cristo. Imposibleng mapanumbalik ang mga tumalikod sa kanilang pananalig dahil ito ay malinaw na pagrerebelde kay Cristo. Malubhang kalagayan ang kahihinatnan nito. Sa sinumang hayagang lumalabag sa Ebanghelio ay hindi tunay na kapanalig. Sila ay tila mukhang mananampalataya sa panlabas na anyo, ngunit sila ay mga huwad. 

Pagkaraan ng mahigpit na babala, ang may-akda ay nagbago ng kanyang tinig sa positibong pahayag. Siya ay naniniwala na ang sinumang nananatili sa komunidad ay kakaiba mula sa mga tumatalikod. Ang mga nananatili ay magdaranas ng diskriminasyon sa lipunan at pang-ekonomiya, maging sa pisikal na persekusyon sa halip na itakwil si Cristo. Kahit ang tono ng may-akda ay dati nang nagbibigay babala, tinitiyak niyang na nasa mas mabuting kalagayan patungkol sa kaligtasan ang mga sinulatan (6:9). Kaya’t ang mga kasunod na kataga ng may-akda ay nagsilbing paala-ala sa mga gagawin ng tunay na mga mananampalataya. 

  1. Hinihikayat ng may-akda ang mga sinulatan na hindi sila kalilimutan ng Diyos sa kanilang mga gawa at pagmamahal sa Kanya (6;10). Makatarungan ang Diyos. Hindi Niya kailanman kinakalimutan ang mga pagpapakasakit at pagpapadama ng pag-ibig na ginagawa ng Kanyang mamamayan, ang komunidad ng Iglesia, 

  2. Hinahangad ng may-akda sa mga mananampalataya na ipagpatuloy ang kasipagan sa pagpapadama ng pag-ibig at paglilingkod habang sila’y nabubuhay upang matupad ang kanilang inaasahan (6:11). Ang tunay na sumasampalataya ay masigasig sa kanilang paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa komunidad. 

  3. Inaasam ng may-akda na ang kanilang paglilingkod at pagmamahal ay magbubunga nang pag-iwas sa katampalasang espiritwal (katamaran).  Sa halip, gayahin ng mga sinulatan ang mabuting halimbawa ng mga taong nagtatamasa ng mga ipinangako ng Diyos, na kung saan ay naglalarawan ng tunay na pananalig at pagtitiis (6:12). 

Pagsasabuhay

  1. Ating tanggapin ang nakakapagpasiglang kalagayan na hindi kinakalimutan ng Diyos ang ating mga pagpapagal at pagmamahal para sa mga mamamayan ng Diyos ayon sa Kanyang pangalan. Batid din ng Diyos kung hindi mo mahal ang komunidad o kinakaligtaan natin ang paglilingkod sa mamamayan ng Diyos ayon sa Kanyang pangalan. 

  2. Ating paglingkuran nang may kasipagan ang komunidad ng Iglesia sa pamamagitan ng ating mga maliliit na grupo (growth groups, discipleship groups, at house churches). Boluntaryong sumali sa mga serbisyo sa malalaking pagtitipon tulad ng Sunday Services. Ang dapat lang ay matiyaga, na may kahulugang pananatili, at hindi pabagu-bago. 

  3. Tayo ay huwag humantong sa katamaran at pagwawalang-bahala. Tayo’y manalangin na ang ating komunidad ay manatiling masigla sa espiritwal na kalagayan. Iwasan natin ang katampalasang espiritwal at kalamigan ng loob. Sa halip, tularan natin ang sinumang matiyaga sa pananampalataya at pagtitiis.   

Talakayan at Pagnilay-nilay

  1. Ano ang nakapag-hihikayat o nagbibigay sigla sa mga sinulatan ng may-akda? 

  2. Ano ang hinahangad ng may-akda sa mga sinulatan?

  3. Sa paanong paraan makikita na tayo ay masigasig na nagmamahal at naglilingkod sa mga mamamayan ng Diyos sa ating konteksto? 

  4. Sa paanong paraan na tayo’y tamad o hindi masipag sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa?