Ang Bagong Tipan kay Cristo

Sulat sa Mga Hebreo - Part 16 • Mga Hebreo 8:7-13 (Jeremias 31:31-34) • Pebrero 28, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Ang pangunahing punto ng may-akda sa kanyang sulat ay tanging si Cristo ang perpektong pinakamataas na saserdote doon sa tabernakulo sa langit. Siya’y nakaluklok sa pinakamataas na kapangyarihan at Siya ang tagapamagitan sa higit na mabuting kasunduan o tipan. Walang saserdote mula sa mundo o sinumang lider ng relihiyon ang maipapantay kay Cristo. Walang sinuman ang maihahalintulad sa Kanya.

Bukod pa riyan, ang Bagong Tipan, kung paanong si Cristo ang Tagapamagitan, ay mas nakahihigit kaysa Lumang Tipan. Ang Bago ay mas higit na mabuti ang mga pangako kaysa Luma, subalit ang makabuluhang pagkakaiba ay si Cristo mismo. Kaya nga, ang mga mananampalatayang Judio ay hindi dapat sumagi sa isipan na iwanan ang kanilang pananalig kay Cristo. Bakit kailangang iwan ng sinuman si Cristo kung sa kanilang kalagayan ay kilala nila si Cristo? Ang mga taong iniwan si Cristo ay hindi kabilang sa Kanya kahit na sa palagay nila ay mayroon silang kaugnayan sa Kanya.   

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Hebreo 8:7-13 MBBTAG

Kung walang kakulangan ang unang tipan, hindi na sana nangailangan pa ng pangalawa. Ngunit nakita ng Diyos ang pagkukulang ng kanyang bayan, kaya't sinabi niya,

“Darating ang mga araw, sabi ng Panginoon,
    na gagawa ako ng bagong tipan sa bayang Israel at sa bayang Juda.
Hindi ito magiging katulad ng tipang ginawa ko sa kanilang mga ninuno,
    nang ilabas ko sila sa Egipto.
Sapagkat hindi sila naging tapat sa pakikipagtipan sa akin,
    kaya't sila'y aking pinabayaan.
10 Ganito ang gagawin kong tipan sa bayan ng Israel
    pagdating ng panahon, sabi ng Panginoon:
Itatanim ko sa kanilang pag-iisip ang aking mga utos;
    isusulat ko ito sa kanilang puso.
Ako ang kanilang magiging Diyos,
    at sila ang aking magiging bayan.
11 Hindi na kailangang turuan ang isa't isa at sabihing,
    ‘Kilalanin mo ang Panginoon.’
Sapagkat ako'y makikilala nilang lahat,
    mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.
12 Sapagkat patatawarin ko ang kanilang mga kasalanan,
    at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan.”

13 Nang sabihin ng Diyos ang tungkol sa bagong tipan, pinawalang-bisa na niya ang una. At anumang nawawalan ng bisa at naluluma ay malapit nang mawala.

Jeremias 31:31-34 MBBTAG

31 Sinasabi ni Yahweh, “Darating ang panahon na gagawa ako ng bagong tipan sa Israel at sa Juda. 32 Ito'y hindi tulad ng kasunduang ginawa ko sa kanilang mga ninuno, nang ilabas ko sila sa Egipto. Bagama't para akong isang asawa sa kanila, sinira nila ang kasunduang ito. 33 Ganito ang gagawin kong kasunduan sa bayan ng Israel pagdating ng panahon: Itatanim ko sa kanilang kalooban ang aking kautusan; isusulat ko ito sa kanilang mga puso. Ako ang kanilang magiging Diyos at sila ang aking magiging bayan. 34 Hindi na nila kailangang turuan ang isa't isa at sabihing, ‘Kilalanin mo si Yahweh’; sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila, sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang kasalanan at kalilimutan ko na ang kanilang kasamaan.”

Notes

Ang pangunahing punto ng may-akda sa kanyang sulat ay tanging si Cristo ang perpektong pinakamataas na saserdote doon sa tabernakulo sa langit. Siya’y nakaluklok sa pinakamataas na kapangyarihan at Siya ang tagapamagitan sa higit na mabuting kasunduan o tipan. Walang saserdote mula sa mundo o sinumang lider ng relihiyon ang maipapantay kay Cristo. Walang sinuman ang maihahalintulad sa Kanya.

Bukod pa riyan, ang Bagong Tipan, kung paanong si Cristo ang Tagapamagitan, ay mas nakahihigit kaysa Lumang Tipan. Ang Bago ay mas higit na mabuti ang mga pangako kaysa Luma, subalit ang makabuluhang pagkakaiba ay si Cristo mismo. Kaya nga, ang mga mananampalatayang Judio ay hindi dapat sumagi sa isipan na iwanan ang kanilang pananalig kay Cristo. Bakit kailangang iwan ng sinuman si Cristo kung sa kanilang kalagayan ay kilala nila si Cristo? Ang mga taong iniwan si Cristo ay hindi kabilang sa Kanya kahit na sa palagay nila ay mayroon silang kaugnayan sa Kanya.   

  1. Ang unang Tipan ay hindi sakdal; ito ang dahilan kung bakit kailangan ng isang bagong tipan upang ito’y mapalitan. Ang Diyos ay nakakita ng pagkukulang sa mga tao sapagkat patuloy nilang nilabag ang kanilang pangako na sundin ang tipan (tal.7-8).

  2. Ang bagong tipan ay hindi katulad sa dati nang ginawa ng Diyos sa ninuno ng mga Judio. Sila’y pinangunahan ng Diyos palabas mula sa Ehipto, ngunit hindi sila nanatiling tapat sa Kanya. Nang sa gayon, ang Diyos ay tumalikod sa kanila (tal.9).

  3. Ang may-akda ay nagbanggit na isusulat ng Diyos ang Kanyang utos sa puso at isipan ng tao; nang sa gayon, sila ang magiging bayan Niya. Personal nilang makikilala ang Diyos, at sila’y patatawarin at lilimutin ang kanilang mga kasalanan. Pinawalang bisa ng Diyos ang una (tal.10-13).

Pagsasabuhay

  1. Ating unawain ang kaugnayan ng Bagong Tipan kay Cristo. Ang Lumang Tipan ay hindi ganap na sakdal, at ang mga tao ay nagkasala. Ang Bagong Tipan ay ganap na sakdal dahil kay Cristo. Siya ang perpektong handog at ang ganap na punong saserdote. Ang sinumang hindi nauunawaan ang pagkakaiba nito ay hindi rin mauunawaan ang kaugnayan nito.

  2. Ating purihin ang Diyos dahil sa Bagong Tipan at malugod na Siya’y pasalamatan. Isinulat Niya sa puso’t isipan ng mga tunay na sumasampalataya ang Kanyang mga kautusan. Ang Diyos ay magpapakilala rin sa kanila. Ang mga mamamayan ng Diyos ay dapat mayroong pagnanasa na Siya ay sundin. Ang kababalaghang ito sa buhay ng tao ay tinatawag na pagbabagong buhay.

  3. Sa Bagong Tipan ni Cristo, ang Diyos ay nagpapatawad at kinakalimutan ang kasalanan ng tao. Kaya’t mahalagang ipahayag natin ang magandang balita ni Cristo. Inatasan Niya ang Kanyang mga tagasunod na dapat ay ipahayag ang pagsisisi sa kasalanan para sa kapatawaran. Ang bunga ng tunay na pagsisisi ay ang kahima-himalang pagbabago ng puso at pag-iisip. Tanging sa kagandahang loob ng Diyos ito ay nangyayari sa tao.

Talakayan at Pagnilay-nilay

  1. Bakit kailangan ng isang Bagong Tipan?

  2. Ano-ano ang mga pangako sa Bagong Tipan batay sa teksto?

  3. Sa iyong palagay, isinulat ba ng Diyos ang Kanyang utos sa iyong puso’t isipan? Bakit?