Bagong Paraan ng Pamumuhay

Sulat sa Mga Hebreo - Part 19 • Mga Hebreo 10:19-25 • Marso 21, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Ang mga pangako ng Diyos na nakapaloob sa Bagong Tipan kay Cristo ay saklaw ang kapatawaran ng mga kasalanan, personal na relasyon sa Diyos, at ang isinulat na mga kautusan ng Diyos sa puso ng mga sumasampalataya. Ang Bagong Tipan ay katuparan ng Lumang Tipan; kung kaya’t, ang Luma ay pinalitan ng Bago. Sa Luma, ang mga tao ay hindi kayang sumunod sa kautusan. Sa Bago, isinulat at itinanim ng Diyos ang Kanyang kautusan sa puso at isipan ng Kanyang mamamayan. Kaya’t, ang Kanyang mamamayan ay mas sinusunod ang utos dahil nasa puso at isipan nila ito. 

Ang paghahangad na sumunod sa kautusan ng Diyos ay gawa ng Diyos sa bawat mananampalataya. Hindi ito gawa ng tao, kundi ito ay kamangha-mangha na gawain ng Diyos na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng tao. Gayon pa man si Cristo, ang perpektong punong saserdote, at ang walang batik na handog upang maging posible ang hindi magawa ng tao. Ngunit ating tandaan na ang Diyos ang may kapangyarihan sa kaligtasan, gayon pa man ang tao ay may pananagutan sa kanyang kasalanan.


Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Hebreo 10:19-25 MBBTAG

19 Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21 Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22 Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. 23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin. 24 Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.

Notes

Ang mga pangako ng Diyos na nakapaloob sa Bagong Tipan kay Cristo ay saklaw ang kapatawaran ng mga kasalanan, personal na relasyon sa Diyos, at ang isinulat na mga kautusan ng Diyos sa puso ng mga sumasampalataya. Ang Bagong Tipan ay katuparan ng Lumang Tipan; kung kaya’t, ang Luma ay pinalitan ng Bago. Sa Luma, ang mga tao ay hindi kayang sumunod sa kautusan. Sa Bago, isinulat at itinanim ng Diyos ang Kanyang kautusan sa puso at isipan ng Kanyang mamamayan. Kaya’t, ang Kanyang mamamayan ay mas sinusunod ang utos dahil nasa puso at isipan nila ito. 

Ang paghahangad na sumunod sa kautusan ng Diyos ay gawa ng Diyos sa bawat mananampalataya. Hindi ito gawa ng tao, kundi ito ay kamangha-mangha na gawain ng Diyos na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng tao. Gayon pa man si Cristo, ang perpektong punong saserdote, at ang walang batik na handog upang maging posible ang hindi magawa ng tao. Ngunit ating tandaan na ang Diyos ang may kapangyarihan sa kaligtasan, gayon pa man ang tao ay may pananagutan sa kanyang kasalanan.

  1. Minsan pang tinalakay ng may-akda ang kompiyansa ng isang mananampalataya. Sa pamamagitan ni Cristo, ang mananampalataya ay hinirang, ginawang banal. Binigyan ng isang bagong pamamaraan ng pamumuhay dahil si Cristo ay pumasok sa dakong kabanal-banalan bilang alay (10:19-20). 

  2. Dahil kay Cristo bilang dakilang punong saserdote, ang mga mananampalataya ay malayang makalalapit sa Diyos ng may tapat na kalooban, panatag sa pananalig. Nalinis na ng Diyos ang kanilang budhi at hinugasan ang katawan mula sa kasalanan, na kung saan ang isipan at katawan ay kumikilos sa isang dalisay at mabuting paraan (10:21-22). 

  3. Ang may-akda ay nagpa-alaala sa mga sumasampalataya na panghawakang matibay ang mga pangako ng Diyos, dahil Siya ay maaasahan at mapagkakatiwalaan. Bukod pa riyan ay marapat na huwag kaligtaan, magpalakasan ang isa’t isa, at dapat na magpatuloy ang mga pagtitipon ng mga sumasampalataya (10:23-25).

Pagsasabuhay

  1. Mamuhay tayo sa pamumuhay na ninanais ni Cristo para sa atin. Sa pamamagitan ni Cristo, buhay na magagawa natin ang pamumuhay na nakalaan para sa Kanya lamang. Kung wala ang tapos na gawa ni Cristo, imposible sa atin ang mamuhay ng may kabanalan.

  2. Lumapit tayo sa Diyos nang may matibay na pananalig at katapatang loob. Ang Kanyang kapatawaran ay lumilinis ng ating budhi at dinadalisay ang mga pagnanasa sa ating katawan. Binabago tayo ng Panginoon kaya’t mamuhay tayo ayon sa Kanyang salita.

  3. Matibay na panghawakan natin ang Kanyang mga pangako, at tayo’y manatiling magtiwala sa Kanya lamang. Huwag nating kaligtaan ang ating mga pagtitipon, at magpalakasan tayo ng loob upang manatiling maging matatag ang ating pananalig sa Kanya.