Kaligtasan at Hatol dahil sa Pananampalataya

Sulat sa Mga Hebreo - Part 24 • Mga Hebreo 11:6-7 • April 25, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Ipinahayag ng may-akda na imposibleng malugod ang Diyos nang walang pananalig. Ang mga mananampalatayang Judio ay dapat manalig sa mga pangako ng Diyos kay Cristo; kung hindi ay hindi malulugod ang Diyos. Kahit sa gitna ng persekusyon at diskriminasyon, ang may-akda ay umaasa na ang mga mananampalatayang Judio ay magpapatuloy sa pananalig. Walang mga palusot. Hindi kinalulugdan ng Diyos ang sinumang tumatalikod sa pananalig. Gayunman, ang may-akda ay nagpahayag na sila ang mga tinukoy na hindi tumatalikod.

Ipinaliwanag ng may-akda kung ano ang kahulugan ng pananampalataya; ito ay ang katiyakan ng mga pangako na kanilang inaasahan at katibayan ng mga pangakong hindi nakikita, ito’y kapwa kahatulan at kaligtasan. Si Noe ang halimbawa ng isang taong may pananampalataya.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Hebreo 11:6-7 MBBTAG

 Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.

Dahil sa pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na mangyayari ngunit hindi pa niya nakikita. Gumawa siya ng isang malaking barko upang siya at ang kanyang pamilya ay maligtas. Sa pamamagitan nito'y nahatulan ang sanlibutan, ngunit si Noe ay ibinilang na matuwid dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Notes

Ipinahayag ng may-akda na imposibleng malugod ang Diyos nang walang pananalig. Ang mga mananampalatayang Judio ay dapat manalig sa mga pangako ng Diyos kay Cristo; kung hindi ay hindi malulugod ang Diyos. Kahit sa gitna ng persekusyon at diskriminasyon, ang may-akda ay umaasa na ang mga mananampalatayang Judio ay magpapatuloy sa pananalig. Walang mga palusot. Hindi kinalulugdan ng Diyos ang sinumang tumatalikod sa pananalig. Gayunman, ang may-akda ay nagpahayag na sila ang mga tinukoy na hindi tumatalikod.

Ipinaliwanag ng may-akda kung ano ang kahulugan ng pananampalataya; ito ay ang katiyakan ng mga pangako na kanilang inaasahan at katibayan ng mga pangakong hindi nakikita, ito’y kapwa kahatulan at kaligtasan. Si Noe ang halimbawa ng isang taong may pananampalataya.

  1. Ang may-akda ay binanggit si Noe na sumasampalataya sa Diyos (11:7a). Binalaan ng Diyos si Noe sa Kanyang hatol na magaganap. Ang sangkatauhan ay masama sa lahat ng paraan, ngunit kinalugdan ng Diyos si Noe (Genesis 6:5-9). At sinambit ng Diyos ang baha, gayong hindi pa ito nasaksihan ni Noe ay naniwala siya.

  2. Ang may-akda ay tinukoy si Noe, na may paggalang na takot sa paggawa ng arko, na nagligtas ng kanyang pamilya, at maraming hayop. Hindi pa nakakita nang kahit na maliit na sukat ng baha si Noe, gayunman ay sumasampalataya na siya sa Diyos, na siyang nagpadala ng baha, na bumalot ng tubig sa buong mundo (Hebreo 11:7b).

  3. Ang may-akda ay nagpaliwanag na dahil sa pananampalataya, hinatulan ni Noe ang sanlibutan. Ang pananalig ni Noe na nagbubunga ng pagsunod, ay kabaligtaran sa saloobin ng mundo. Hindi sila nanalig sa hatol ng Diyos sa anyo ng baha (11:7c). Subalit si Noe ay sumunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng Panginoon (Genesis 6:22).

Pagsasabuhay

  1. Tayo’y manalig sa salita ng Diyos, na mangyayari ang Kanyang hatol bilang babala sa bawat tao. Ang nag-aalab na kahatulan ng Diyos ang magiging kabayaran sa bawat kasalanan at pagsalansang na gawa ng tao. Kahit hindi pa nasasaksihan ang walang hanggang kahatulan ay maniwala tayo na ito’y magaganap.

  2. Sa magalang na takot, ay pagsisihan natin ang ating kasalanan upang makamit ang kapatawaran ng Diyos. Si Cristo ay naghirap at namatay dahil sa ating kasalanan; pagkaraan ay muling nabuhay mula sa mga patay. Ang lahat ng tunay na sumasampalataya sa Kanyang tinapos na gawa ay maliligtas.

  3. Ating sundin ang utos ng Panginoon sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang ating taos pusong pagsunod ang siyang mensahe para sa lahat ng taong hindi nananalig at ayaw magsisi sa kasalanan. Kahit kutyain tayo ng mundo, ay manatili at magpatuloy tayong namumuhay kapiling si Cristo.

Talakayan at Pagninilay-nilay:

1. Ano ang babalang ibinigay ng Diyos kay Noe?

2. Paano tumugon si Noe?

3. Ano ang mga bagay na maaaring magbigay lugod sa Diyos?

4. Paano tayo mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa konteksto ng Bagong Tipan?