Pananampalataya at Ang Walang Hanggang Lungsod

Sulat sa Mga Hebreo - Part 25 • Mga Hebreo 11:8-10 • May 2, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Ang pananampalataya ay katiyakan ng mga pangako ng Diyos kay Cristo. Ito ay katibayan ng ating paniniwala sa Diyos na hindi nakikita at sa Kanyang salita. Bukod dito, sa pamamagitan ng pananampalataya, ang mga tao noong una ay nagkamit ng pag-apruba mula sa Diyos. Hindi ito sa pamamagitan ng mga gawa ngunit sa pananampalataya. Sa katunayan, pag walang pananampalataya, imposible na kalugdan ang Diyos.

Ang Diyos ay totoo. Ang Kanyang salita ay totoo, at ginagantimpalaan Niya ang mga masigasig na naghahanap sa Kanya. Kaya't ang mga mananampalatayang Judio noong panahon ay hindi dapat isan-tabi ang kanilang pagtitiwala kay Cristo. Ang kanilang pananampalataya ay dapat maging matatag. Ang Diyos ay magbibigay sa kanila ng pag-apruba kung ang kanilang pananampalataya ay magpapatuloy. Dahi Kung hindi, ang Diyos ay hindi malulugod.

Sa kabila ng pag-uusig at diskriminasyon ng mga Hudyo, Inaasahan ng may-akda na ang mga mananampalataya ay hikayatin ang bawat isa at magtiis. Dapat sila'y patuloy na umasa sa muling pagdating ng Panginoong Hesus at sa katuparan ng lahat ng mga pangako kay Cristo.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Hebreo 11:8-10 MBBTAG

 8 Dahil sa pananampalataya, sumunod si Abraham nang siya'y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. 9 Dahil din sa kanyang pananampalataya, siya'y nanirahan bilang dayuhan sa lupang ipinangako sa kanya. Mga tolda ang naging tirahan niya, gayundin sina Isaac at Jacob na tumanggap ng ganoon ding pangako. 10 Sapagkat umasa si Abraham ng isang lungsod na may matatag na pundasyon at ang Diyos mismo ang nagplano at nagtayo.

Notes

Ang pananampalataya ay katiyakan ng mga pangako ng Diyos kay Cristo. Ito ay katibayan ng ating paniniwala sa Diyos na hindi nakikita at sa Kanyang salita. Bukod dito, sa pamamagitan ng pananampalataya, ang mga tao noong una ay nagkamit ng pag-apruba mula sa Diyos. Hindi ito sa pamamagitan ng mga gawa ngunit sa pananampalataya. Sa katunayan, pag walang pananampalataya, imposible na kalugdan ang Diyos.

Ang Diyos ay totoo. Ang Kanyang salita ay totoo, at ginagantimpalaan Niya ang mga masigasig na naghahanap sa Kanya. Kaya't ang mga mananampalatayang Judio noong panahon ay hindi dapat isan-tabi ang kanilang pagtitiwala kay Cristo. Ang kanilang pananampalataya ay dapat maging matatag. Ang Diyos ay magbibigay sa kanila ng pag-apruba kung ang kanilang pananampalataya ay magpapatuloy. Dahi Kung hindi, ang Diyos ay hindi malulugod.

Sa kabila ng pag-uusig at diskriminasyon ng mga Hudyo, Inaasahan ng may-akda na ang mga mananampalataya ay hikayatin ang bawat isa at magtiis. Dapat sila'y patuloy na umasa sa muling pagdating ng Panginoong Hesus at sa katuparan ng lahat ng mga pangako kay Cristo.

  1. Sumunod si Abraham ng may pananampalataya. Iniwan niya ang kanyang tahanan upang pumunta sa lupang ipinangako, ang lugar na ipinangako ng Diyos sa kanyang lahi. Lumipat si Abraham nang hindi nalalaman kung saan siya pupunta (11:8).

  2. Nang tumira si Abraham sa lupain ng pangako, siya ay nanirahan bilang isang dayuhan dito. Tumira siya sa mga tolda kasama sina Isaac at Jacob, na kapwa-tagapagmana ng pangako (11:9). Hindi siya nagreklamo tungkol dito, ngunit nagpatuloy siyang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.

  3. Naniwala si Abraham sa pangako ng Diyos, sa lupain na ang kanyang inapo ang magtataglay. Inaasahan niya ang isang lungsod na itinayo at dinisenyo mismo ng Diyos na mayroong walang hanggan pundasyon (11:10).

Pagsasabuhay

  1. Sa pamamagitan ng pananampalataya, sumunod tayo sa pamamagitan ng pag-iwan sa mga paraan ng mundo. Mahalin natin si Cristo higit sa pamilya, kaibigan, at maging sa ating sariling bansa. Maaaring hindi natin alam ang lahat ng mga detalye, ngunit magtiwala tayo sa Kanyang salita upang ipakita sa atin.

  2. Sa pamamagitan ng pananampalataya, mamuhay tayo bilang isang pamayanan at kapwa-tagapagmana ng pangako. Dapat nating kilalanin na tayo ay mga dayuhan sa mundong ito. Nasa mundo tayo, ngunit hndi tayo taga rito. Ang ating prayoridad ay ang kaharian ng Diyos.

  3. Sa pamamagitan ng pananampalataya, abangan natin ang lungsod na inihanda ng Diyos para sa atin. Lahat ng totoong naniniwala ay mayroong lugar sa Kanyang walang hanggang kaharian. At ang pangakong atin talagang hinahangad ay ang walang hanggang pakikisama sa Diyos.