Pananampalataya upang makita ang Hinaharap

Sulat sa Mga Hebreo - Part 27 • Mga Hebreo 11:13-16 • May 16, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Binanggit ng may-akda ang mga patriyarka, si Abraham, Isaac, at Jacob, at ang mga kapwa tagapagmana ng parehong pangako, at namuhay bilang mga dayuhan sa lupa. Nanirahan sila sa mga tolda sapagkat nakatuon ang paningin sa isang higit na mabuting tirahan, ang lugar sa langit. Ang lupang pangako ay hindi wagas na pangako, kundi si Jesu Cristo na ating Panginoon.

Ang tanging daan upang humantong sa mabuting tirahan doon sa langit ay sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo, hindi mabuting gawa, hindi ang mga gawa ng kautusan. Imposibleng malugod ang Diyos sa hindi sumasampalataya. At ang pananampalataya ay ang katiyakan ng mga bagay na ating inaasahan, at ang katibayan ng mga bagay na darating.

Ang pananampalataya ay nagtitiwala nang walang alinlangan sa Diyos at sa Kanyang mga pangako kay Cristo. Hinahangad ng may-akda na himukin ang mga mananampalatayang Judio na manatili sa kanilang pananalig at ang pananampalataya nila ay dapat maging matiisin. At tulad sa mga patriyarka, dapat nilang tanggapin ang mga pangakong hindi nila nakita.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Hebreo 11:13-16 MBBTAG

 13 Silang lahat ay namatay na may pananampalataya. Hindi nila nakamtan ang mga ipinangako ng Diyos, ngunit natanaw nila iyon mula sa malayo at itinuring na natanggap na nila. Kinilala nilang sila'y mga dayuhan lamang at nangingibang-bayan dito sa lupa. 14 Ipinapakilala ng mga taong nagsasalita ng ganoon, na naghahanap pa sila ng sariling bayan. 15 Kung nasa isip nila ay ang lupaing kanilang pinanggalingan, may pagkakataon pa sana silang makabalik doon. 16 Ngunit ang hinahangad nila'y isang lungsod na higit na mabuti, ang lungsod na nasa langit. Kaya naman hindi ikinahiya ng Diyos na siya'y tawaging Diyos nila, sapagkat sila'y ipinaghanda niya ng isang lungsod.

Notes

Binanggit ng may-akda ang mga patriyarka, si Abraham, Isaac, at Jacob, at ang mga kapwa tagapagmana ng parehong pangako, at namuhay bilang mga dayuhan sa lupa. Nanirahan sila sa mga tolda sapagkat nakatuon ang paningin sa isang higit na mabuting tirahan, ang lugar sa langit. Ang lupang pangako ay hindi wagas na pangako, kundi si Jesu Cristo na ating Panginoon.

Ang tanging daan upang humantong sa mabuting tirahan doon sa langit ay sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo, hindi mabuting gawa, hindi ang mga gawa ng kautusan. Imposibleng malugod ang Diyos sa hindi sumasampalataya. At ang pananampalataya ay ang katiyakan ng mga bagay na ating inaasahan, at ang katibayan ng mga bagay na darating.

Ang pananampalataya ay nagtitiwala nang walang alinlangan sa Diyos at sa Kanyang mga pangako kay Cristo. Hinahangad ng may-akda na himukin ang mga mananampalatayang Judio na manatili sa kanilang pananalig at ang pananampalataya nila ay dapat maging matiisin. At tulad sa mga patriyarka, dapat nilang tanggapin ang mga pangakong hindi nila nakita.

  1. Ang mga Patriyarka, kasama si Sarah, ay namatay na hindi nakamit ang mga pangako, ngunit banaag (sulyap) nila ang mga pangako. Ang kanilang pananalig ang nagbigay kakayahang matanaw nila ang mga pangako. Malugod nilang tinanggap ito mula sa malayo (11:13).

  2. Ang mga Patriyarka ay kinilala ang mga sarili bilang dayuhan, at nangingibang bayan lamang dito sa lupa, hindi sila kabilang. Gayunman, sila’y nakatingin sa isang bayan na sila’y kabilang. Ito ay ang kanilang magiging sariling bayan (11:13-14).

  3. Ang mga Patriyarka ay maaaring bumalik sa kanilang sariling bansa, ngunit hindi nila ito ginawa. Sila’y naghanap ng isang bayan na hindi matatagpuan sa mundong ito. Naghanap sila ng bayan sa langit. Kaya’t hindi sila ikinahiya ng Diyos nang tawagin nila siyang kanilang Diyos (11:15-16).

Pagsasabuhay

  1. Paano tumugon ang mga patriyarka sa pangako ng Diyos?

  2. Paano tinitingnan ng mga patriyarka ang kanilang sarili habang sila’y nasa mundo?

  3. Ano ang hinahanap ng mga patriyarka?

  4. Ano ang dapat nating hinahanap?