Pananampalataya at Pagpapala

Sulat sa Mga Hebreo - Part 29 • Mga Hebreo 11:20-22 • May 30, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Ang mga Patriyarka ay ipinasa sa kanilang mga anak ang salita ng Diyos, na naniniwala rin sa kanilang pinaniniwalaan. Nananalig sila sa Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob, na sila’y itinadhana na maging isang bansa sa ilalim ng Diyos; na ang mga inapo ni Abraham ay hindi kayang bilangin tulad ng mga bituin sa langit. At ang Diyos ay nangako na makakamit nila ang lupain ng Canaan. Ngunit alam ng mga Patriyarka na mayroong lugar na higit pa, ito ay isang lugar sa langit.

Hindi pa nila ito nakakamit sapagkat hinihintay nila ang isang lungsod na tanging Diyos ang nagtayo. Hindi sila ikinahiya ng Diyos nang tawagin nilang kanilang Diyos ang Diyos. Hanggang kamatayan, sila ay patuloy na sumampalataya kahit banaag lamang nila ang pangako. Subalit tutuparin ng Diyos ang Kanyang pangako sa Kanyang itinakdang panahon; ang sukdulang pangako ay si Cristo, ang tanging daan patungong langit.

Si Cristo ay isinilang bilang isa sa mga inapo ni Abraham. Habang ipinapasa ng mga Israelita ang kasaysayan ni Abraham sa kanilang mga inapo, ang mga sumasampalataya ay dapat ipasa ang kasaysayan ni Cristo sa kanilang mga angkan at sa lahat ng tao.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Hebreo 11:20-22 MBBTAG

20 Dahil sa pananampalataya, iginawad ni Isaac kina Jacob at Esau ang pagpapala para sa hinaharap.

21 Dahil sa pananampalataya, iginawad ni Jacob ang pagpapala sa dalawang anak ni Jose bago siya namatay. Humawak siya sa kanyang tungkod at sumamba sa Diyos.

22 Dahil sa pananampalataya, sinabi ni Jose, nang siya'y malapit nang mamatay, ang tungkol sa pag-alis ng mga Israelita sa Egipto, at ipinagbilin sa kanila na dalhin ang kanyang mga buto sa kanilang pag-alis.

Notes

Ang mga Patriyarka ay ipinasa sa kanilang mga anak ang salita ng Diyos, na naniniwala rin sa kanilang pinaniniwalaan. Nananalig sila sa Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob, na sila’y itinadhana na maging isang bansa sa ilalim ng Diyos; na ang mga inapo ni Abraham ay hindi kayang bilangin tulad ng mga bituin sa langit. At ang Diyos ay nangako na makakamit nila ang lupain ng Canaan. Ngunit alam ng mga Patriyarka na mayroong lugar na higit pa, ito ay isang lugar sa langit.

Hindi pa nila ito nakakamit sapagkat hinihintay nila ang isang lungsod na tanging Diyos ang nagtayo. Hindi sila ikinahiya ng Diyos nang tawagin nilang kanilang Diyos ang Diyos. Hanggang kamatayan, sila ay patuloy na sumampalataya kahit banaag lamang nila ang pangako. Subalit tutuparin ng Diyos ang Kanyang pangako sa Kanyang itinakdang panahon; ang sukdulang pangako ay si Cristo, ang tanging daan patungong langit.

Si Cristo ay isinilang bilang isa sa mga inapo ni Abraham. Habang ipinapasa ng mga Israelita ang kasaysayan ni Abraham sa kanilang mga inapo, ang mga sumasampalataya ay dapat ipasa ang kasaysayan ni Cristo sa kanilang mga angkan at sa lahat ng tao.

  1. Pinagpala ni Isaac ang kanyang mga anak Sa pananampalataya, ng si Isaac ay nasa katandaang gulang na, pinagpala niya si Jacob tungkol sa hinaharap (11:20). Iginawad ni Isaac ang pagpapala ng pangako kay Jacob, na di kalaunan ay tatawaging Israel.
    Nais ipakita ng may-akda sa mga mananampalatayang Judio na ang kanilang ninuno ay namuhay sa pananalig, hindi sa mga gawa. Ipinasa ni Isaac ang pangako sa kanyang mga inapo sa pamamagitan ng pananampalataya. Kaya nga, kahit tumanda ang mga Judiong mananampalataya, ay dapat silang manatili sa kanilang pananalig.

  2. Pinagpala ni Jacob ang kanyang mga anak Sa pananampalataya, ng si Isaac ay nasa katandaang gulang na rin, pinagpala niya ang mga anak ni Jose (11:21). Si Manases at Efraim ay naging bahagi sa tribo ng Israel. Gayunman, pinagpala din ni Jacob ang iba pa niyang anak bago siya namatay. Kahit sa kanyang katandaan ay sinamba ni Jacob ang Diyos. Hanggang sa huling sandali ng buhay ay nanalig si Jacob sa Diyos.

  3. Pagbabalik ng mga Buto Sa pananampalataya, nahulaan ni Jose ang paglisan (exodus) at ipinagbilin na dalhin ang kanyang mga buto sa lupang pangako (11:22). Si Jose ay nanalig sa pangako ng Diyos sa kanyang ama, ang pagbabalik sa lupain ng Canaan.
    Si Jose ay sumampalataya sa Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob. Ang pinuno ng Ehipto ay higit na nakilala ang pangako ng Diyos sa kanyang bayan kaysa sa Ehipto. Siya’y nanalig na ang kanyang mamamayan ay magbabalik sa sariling bayan bilang pangako ng Diyos kay Abraham. Kaya’t nagtagubilin si Jose na dalhing pabalik sa sariling bansa ang kanyang mga buto.

Pagsasabuhay

  1. Sa pananampalataya, pagpalain natin ang ating mga anak sa matiyagang panalangin na sila’y nakasalig sa salita ng Diyos. Turuan silang lumago sa pagkakilala sa Panginoon at maging bahagi sa Christ-centered church community. Ang pinakamahalagang bagay sa pagpapalaki ng mga anak ay ang pagiging halimbawa natin sa pananampalataya. At ang pananalig na ito ay dapat nakikita sa ating mga emosyon, pananalita, at mga gawa. Hindi dapat taliwas. Sa mga magulang at magiging magulang ay dapat makita ang halimbawa ng pananampalataya.

  2. Paghihintay sa katuparan Sa pananampalataya, alamin natin ang hinaharap na inihahayag mula sa salita ng Diyos. Hintayin natin ang lugar sa langit kung saan ay doon tayo mananahan. Tayo’y kabilang sa Ama dahil kay Cristo Jesus. Ang mga sumasampalataya ay hindi taga sanlibutan; sila’y pag-aari ng Diyos. Sila’y nananalig sa Banal na Kasulatan. Ang paraan ng mundo ay iba sa paraan ng Diyos. Ang sinumang kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kalaban ng Diyos. Kung komportable tayo sa mga paraan ng mundo, ay hindi natin alam ang mga paraan ng Diyos. Ngunit kung tayo ay lumago sa pananampalataya, tayo ay nasa tahanang kasama ang kanyang mga mamamayan, at hihintayin natin ang ating permanenting tahanan, ang lugar sa langit.habang sila’y nasa mundo?

  3. Maging isang instrumento ng Diyos Sa pananampalataya, pagpalain natin ang isa’t isa sa loob ng komunidad ng Iglesia at sama-sama tayong ipahayag ang Mabuting Balita ni Cristo. Sabay-sabay nating tuparin ang pangako ng Diyos na maging pagpapala sa bawat wika, tribo, at mga bansa. Ginamit ng Diyos si Isaac at Jacob na ipasa ang pagpapala. Pakanasain na ipasa ang pagpapala sa ating mga anak at sa ating kapwa. Paano? Sa pagpapahayag ng Ebanghelyo. Si Cristo ay nagtiis at namatay dahil sa kasalanan. Siya’y nabuhay na muli at ngayon ay nakaluklok sa kanang bahagi ng Ama. Dapat nating ipahayag ang pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.