Pananalig at Pagkakakilanlan

Sulat sa Mga Hebreo - Part 30 • Mga Hebreo 11:23-26 • June 6, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Hinikayat ng may akda ang mga Kristyanong Hudio na manatiling matatag sa kanilang pananampalataya sa kabila ng "social decriminalization and persecution" o hindi nararapat na pag trato at pag uusig sa kanila. Kanya silang binigyan ng babala na hwag tatalikod dahil hindi ito ikaluluwalhati ng Dios. Tinuruan sila ng may akda na impossibling kalugdan ang Dios kung walang pananalig sa Kanya (1:6).

Ipinaliwanag ng may akda na ang mga bayaning Hudios ay namuhay sa pananampalataya, nagpapakita na ang mga Kristyanong Hudio ay dapat na magpa tuloy sa kanilang pananalig. Ang Pananampalataya ay kasigurohan sa mga bagay na darating, at katibayan ng mga bagay na di nakikita(11:1).

Ipinakita ng mfa bayaning ito ang katiyakan ng mga pangako ng Diyos. Ilan sa mga mananampalataya na nag sabi ay ang mga patriyarka. Ang mga patriyarka ay namuhay bilang manlalakbay; hindi sila nag "adjust" o nag ayos o nagbago. Wala sa kanila ang bumalik sa bansa ba kanilang pinanggalingan. Si Abraham, Isaac at Jacob ay naniwala hanggang sa kahulihulihan ng kanilang buhay. Sila'y nag hanap ng mas magandang lugar, ang lugar sa langit.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Hebreo 11:23-26 MBBTAG

22 Dahil sa pananampalataya, sinabi ni Jose, nang siya'y malapit nang mamatay, ang tungkol sa pag-alis ng mga Israelita sa Egipto, at ipinagbilin sa kanila na dalhin ang kanyang mga buto sa kanilang pag-alis.

23 Dahil sa pananampalataya, ang mga magulang ni Moises ay hindi natakot na sumuway sa utos ng hari; nang makita nilang maganda ang sanggol, itinago nila ito sa loob ng tatlong buwan.

24 Dahil sa pananampalataya, tumanggi si Moises, nang siya'y mayroon nang sapat na gulang, na tawagin siyang anak ng prinsesang anak ng hari. 25 Inibig pa niyang makihati sa kaapihang dinaranas ng bayan ng Diyos kaysa magtamasa ng mga panandaliang aliw na dulot ng kasalanan. 26 Itinuring niyang higit na mahalaga ang pagtitiis sa hirap dahil sa Mesiyas kaysa ang mga kayamanan ng Egipto; sapagkat nakatuon ang kanyang paningin sa mga gantimpala sa hinaharap.

Notes

Hinikayat ng may akda ang mga Kristyanong Hudio na manatiling matatag sa kanilang pananampalataya sa kabila ng "social decriminalization and persecution" o hindi nararapat na pag trato at pag uusig sa kanila. Kanya silang binigyan ng babala na hwag tatalikod dahil hindi ito ikaluluwalhati ng Dios. Tinuruan sila ng may akda na impossibling kalugdan ang Dios kung walang pananalig sa Kanya (1:6).

Ipinaliwanag ng may akda na ang mga bayaning Hudios ay namuhay sa pananampalataya, nagpapakita na ang mga Kristyanong Hudio ay dapat na magpa tuloy sa kanilang pananalig. Ang Pananampalataya ay kasigurohan sa mga bagay na darating, at katibayan ng mga bagay na di nakikita(11:1).

Ipinakita ng mfa bayaning ito ang katiyakan ng mga pangako ng Diyos. Ilan sa mga mananampalataya na nag sabi ay ang mga patriyarka. Ang mga patriyarka ay namuhay bilang manlalakbay; hindi sila nag "adjust" o nag ayos o nagbago. Wala sa kanila ang bumalik sa bansa ba kanilang pinanggalingan. Si Abraham, Isaac at Jacob ay naniwala hanggang sa kahulihulihan ng kanilang buhay. Sila'y nag hanap ng mas magandang lugar, ang lugar sa langit.

  1. Pananampalataya, hindi takot. Si Moses ay nakaligtas sa isang kamatayan dahil itinago sya ng kanyang mga magulang sa loob ng tatlong buwan. Sa pananampalataya, hindi sila natakot sa utos ng hari. Nakita ng kanyang mga magulang na si Moses ay magandang lalaki, na ang isang ibig sabihin ay pambihira (11:23).

  2. Pananampalataya at Pagkakakilanlan Sa pananampalataya, si Moses ay nakilala kasama na ng mga Israelita. Sya ay tumanggi na tawaging anak ng anak na babae ni Paraon, ito ay maaaring emplowensya ng kanyang Nanay na nagluwal sa kanya, ang tagapangalaga o katulong. Pinili ni Moses ang hindi magandang trato sa kanya kesa sa kasiyahan na dulot ng kasalanan (11:24-25).

  3. Mata ng Pananalig. Ipinakita kay Moses sa pamamagitan ng mata ng pananampalataya na ang walang hanggang kayamanan kay Kristo ay mas higit pa sa kayamanan na meron ang Ehipto. Hindi niya kilala si Kristo, subalit alam nya na ang Messiah ay darating. Nakatuon si Moses sa gantimpala ng Dios, hindi sa kayamanan ng Sanlibotan (11:26).

Pagsasabuhay

  1. Matakot sa Dios, hindi sa tao. Hwag katakotan ang sino man maliban sa Dios. Mas mabuting sumonod sa Dios kesa sa tao. Ang Kanyang Salita ay mas mataas kesa ano mang batas sa lupa. Mas mataas ang kautosan ng Dios kesa kautosan ng tao. Mas higit na mataas ang layunin ng Dios kesa sa ano mang makasanlibutang mga plano.

  2. Maging kilala na kasama si Kristo. Nawa ay makilala tayong kasama si Kristo at ang kapwa nating mananampalataya. Sino sino ang mga tao ng Dios ngayon? Ang ibinibilang na mga tao ng Dios ay ang mga naniniwala sa pag hihirap, kamatayan at muling pagka buhay ni Kristo; at mga taong nagsisi para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

  3. Piliin ang mga pangako ng Diyos kay Kristo. Kailangan nating piliin si Hesu-Kristo sa kabila ng mga hindi maayos o makataong pag trato at pag uusig. Ating ituon ang ating mga mata sa walang hanggang gantimpala, hindi sa mga bagay na pan samantala lang; ang tunay na gantimpala ay ang makasama ang Dios ng magpakailan man. Ang makalupang kayamanan ay pansamanatala lang; subalit ang makalangit na kayamanan ay pang habang buhay.