Masdan ang mga Bagay na Hindi Nakikita

Sulat sa Mga Hebreo - Part 31 • Mga Hebreo 11:27-28 • June 13, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Nagtagubilin ang may-akda sa mga mananampalatayang Judio na huwag tumalikod sa kanilang pananalig kay Cristo. Patuloy niyang pinalakas ang kanilang loob na manalig at pagtiisan ang mga kahirapan alang-alang sa kanilang pananampalataya kay Cristo. Ipinaliwanag niya ang pananampalataya ay katiyakan ng bagay na ating inaasahan; ito ay katibayan ng mga bagay na di nakikita (11:1).

Ipinakita ng may-akda sa mga bumabasa ng sulat, na dahil sa pananalig ng mga bayani sa pananampalataya ay nakamtam nila ang kaluguran ng Diyos (11:2). Binigyang diin ng may-akda na ang pananampalataya ay pagkaunawa na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng salita ng Diyos (11:3). At siya’y nagbigay babala na imposibleng malugod ang Diyos sa hindi sumasampalataya (11:6). Nalulugod ang Diyos sa tunay na sumasampalataya. Hindi sa pamamagitan ng kautusan.

Karamihan sa mga bayani ng pananampalataya na nabanggit ng may-akda ay sina Abel, Enoc, Noe, Abraham, Sara, Isaac, Jacob, Jose, si Moises at ang kanyang magulang. Ang mga nakatalang pangalan ay nagbibigay inspirasyon sa mga sinulatan, sila ang mga sumasampalatayang Judio na dapat nagpapatuloy sa kanilang pananampalataya kay Cristo.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Hebreo 11:27-28 MBBTAG

 27 Pananampalataya din ang nag-udyok kay Moises na lisanin ang Egipto nang hindi natatakot sa galit ng hari. Matatag ang kanyang kalooban sapagkat para niyang nakita ang Diyos. 28 Dahil din sa pananampalataya, itinatag niya ang Paskwa at iniutos sa mga Israelita na pahiran ng dugo ang pintuan ng kanilang mga bahay upang huwag patayin ng Anghel na Mamumuksa ang kanilang mga panganay.

Notes

Nagtagubilin ang may-akda sa mga mananampalatayang Judio na huwag tumalikod sa kanilang pananalig kay Cristo. Patuloy niyang pinalakas ang kanilang loob na manalig at pagtiisan ang mga kahirapan alang-alang sa kanilang pananampalataya kay Cristo. Ipinaliwanag niya ang pananampalataya ay katiyakan ng bagay na ating inaasahan; ito ay katibayan ng mga bagay na di nakikita (11:1).

Ipinakita ng may-akda sa mga bumabasa ng sulat, na dahil sa pananalig ng mga bayani sa pananampalataya ay nakamtam nila ang kaluguran ng Diyos (11:2). Binigyang diin ng may-akda na ang pananampalataya ay pagkaunawa na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng salita ng Diyos (11:3). At siya’y nagbigay babala na imposibleng malugod ang Diyos sa hindi sumasampalataya (11:6). Nalulugod ang Diyos sa tunay na sumasampalataya. Hindi sa pamamagitan ng kautusan.

Karamihan sa mga bayani ng pananampalataya na nabanggit ng may-akda ay sina Abel, Enoc, Noe, Abraham, Sara, Isaac, Jacob, Jose, si Moises at ang kanyang magulang. Ang mga nakatalang pangalan ay nagbibigay inspirasyon sa mga sinulatan, sila ang mga sumasampalatayang Judio na dapat nagpapatuloy sa kanilang pananampalataya kay Cristo.

  1. Sumampalataya at Huwag Matakot Sa pananampalataya, nilisan ni Moises ang Ehipto, at hindi natakot sa poot ng hari (11:27a). Malamang na ito ang panahon na nilisan niya ang Ehipto kasama ang mga mamamayan ng Israel. Kaya’t ang mga mananampalatayang Judio ay hindi dapat matakot sa anumang bagay alang-alang sa kanilang pananampalataya.

  2. Ang Pananampalataya ay Nagtitiis Nagtiis si Moises nang mahabang proseso dahil parang nakikita niya ang Diyos, ang hindi nakikita (11:27b). Parang hinihikayat ng may-akda ang mga mananampalatayang Judio na makita nila ang mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig.

  3. Ang pananampalataya ay pagsunod Si Moises ay sumampalataya sa salita ng Diyos tungkol sa Paskwa. Nag-utos siya sa mga Israelita na magpahid ng dugo sa hamba ng kanilang pintuan upang maprotektahan ang kanilang sambahayan (11:28). Kaya’t ang mga mananampalatayang Judio ay dapat ipagpatuloy ang pananalig sa pag-aalay ni Cristo.

Pagsasabuhay

  1. Matakot sa Diyos at manalig sa Kanya lamang Ang pagkatakot at pananalig sa Diyos ay magkasama. Huwag matakot sa anumang humahadlang sa Ebanghelio ni Cristo. Manatiling nakatindig ang ating pananampalataya hanggang kamatayan. Kapag tayo’y natatakot sa tao sa halip ay sa Diyos, ang ating pananampalataya ay panlabas na anyo lamang.

  2. Pagtiisan ang masakit na kalagayan sa buhay sa pamamagitan ng pananampalataya Sa pananamapalataya, pagtiisan natin ang proseso sa paglago espiritwal, bahagi diyan ang maalab na mga pagsubok. Mapagtitiisan natin ang masamang kalagayan kung nakatuon ang ating paningin sa mga pangako ng Diyos kay Cristo. At kung hindi nakatuon ang buhay sa Diyos ay madali tayong mawawalan ng pag-asa.

  3. Ipahayag sa lahat ang Magandang Balita Sa pananampalataya, inaala-ala natin ang perpektong pag-aalay, na walang iba kundi si Cristo. Sa pananalig, tayo’y nakapasa mula sa walang hanggang hatol. Sa pananalig, ipasa natin ang salaysay at tagubilin ng Ebanghelio ni Cristo.