Magbantay ang Pamayanan ng Diyos

Sulat sa Mga Hebreo - Part 37 • Mga Hebreo 12:15-17 • August 2, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Hinihikayat ng may-akda ang mga sinulatan na ituloy ang pamumuhay sa kapayapaan at kabanalan, nang sa ganoon ay maranasan nila ang presensiya ng Diyos. Ngunit, bago rito, ang may-akda ay nagpahayag, na ang Diyos ay nagdidisiplina sa Kanyang mga minamahal sapagkat sila’y itinuturing na mga anak ng Diyos. Marami ang nagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos, subalit bihira nilang bigkasin ang Kanyang disiplina. Datapwa’t malinaw, ang isang paraan sa pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang pag-ibig ay ang Kanyang disiplina. Kaya’t ang mga mananampalataya ay dapat tingnan ang disiplina ng Diyos bilang parusa sa mga maling nagawa at pagsasanay para sa katuwiran at hindi pagtaboy ng Diyos patungo sa kapahamakan. Ang may-akda ay nagpahayag ng karunungan sa pagpapanatili ng pagkakaisa at moralidad ng pamayanan. Bagaman hindi pagkakaisa at moralidad ang pinakadiwa ng sulat, ito ay kailangan upang mag-ingat ang mga sinulatan. Ang pinakadiwa ng sulat, si Cristo ay higit pa sa Judaismo. Kaya ang mga Judiong mananampalataya ay dapat magpatuloy sa kanilang pananalig. Nagbigay babala ang may-akda sa pamayanan tungkol sa mga kahihinatnan ng pagtalikod nila kay Cristo. Gayunman, patuloy silang hinihikayat ng may-akda tungkol sa mga pangako ng Diyos kay Cristo.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Hebreo 12:15-17 MBBTAG

15 See to it that no one comes short of the grace of God; that no root of bitterness springing up causes trouble, and by it many become defiled; 16 that there be no sexually immoral or godless person like Esau, who sold his own birthright for a single meal. 17 For you know that even afterward, when he wanted to inherit the blessing, he was rejected, for he found no place for repentance, though he sought for it with tears.

Notes

Ipinaliwanag ng may-akda na ang Diyos ay nagbibigay ng disiplina sa Kanyang minamahal na mga anak. Kaya’t nababatid ng mga mananampalataya ang pagdidiplina ng Diyos ay pagpapadama ng Kanyang pag-ibig. Subalit marami ang nagsasabi ng Kanyang pag-ibig, ngunit hindi isinasama ang Kanyang disiplina. Ang disiplina ng Panginoon ay parehong nagpapakita ng pagkastigo at pagsasanay. Pagkastigo upang ang isang tao ay maaaring matutong pagtagumpayan ang kasalanan at pagsasanay upang lumago sa kabanalan. Kaya’t kung ang isang mananampalataya ay nakakaranas ng kastigo ng Diyos dahil sa maling ginagawa, siya’y dapat maging bukas o tanggapin ang pagtutuwid. Bukod pa riyan, kung ang isang tao ay dumaan sa mga hamon at kahirapan, dapat ipalagay ng mananampalataya na tayo’y sinasanay ng Diyos.

  1. Ang Biyaya ng Diyos laban sa Sama ng Loob. Ang may-akda ay nagtagubilin na walang sinuman ang dapat tumalikod sa biyaya ng Diyos. At nagbigay babala ang may-akda laban sa sama ng loob, na ito ay maaaring kumalat, na ang ibig sabihin ay magbantay ang pamayanan sa isa’t isa (12:15).

  2. Ang Pagiging Imoral at Walang kinikilalang Diyos. Ang may-akda ay nagbigay babala sa mga Cristianong Judio na walang sinuman ang tutulad kay Esau, siya’y walang Diyos at imoral. Ipinagpalit ni Esau ang kanyang karapatan bilang panganay sa isang platong pagkain. Hindi niya pinahalagahan ang mahalagang bagay na kanyang taglay (12:16).

  3. Ang Pagtalikod tulad ni Esau. Ang may-akda ay nagbigay babala sa mga tumatalikod na sila ay katulad ni Esau. Una, nawala ang kanyang karapatan bilang panganay; tangi riyan, nawala sa kanya ang pagpapala ng kanyang ama. Subalit huli na para sa kanyang pagsisisi, kahit lumuluhang nakikiusap ay hindi na maibabalik pa ang nawala (12:17).

Pagsasabuhay

  1. Ipahayag ang Biyaya ng Diyos Dapat nating unawain at ipahayag ang biyaya ng Diyos. Walang tao na puwedeng iligtas ang sariling kaluluwa, o kahit iligtas ng ibang tao ang ibang kaluluwa. Tanging sa pamamagitan lamang ng biyaya ng Diyos, at sa pananalig kay Cristo upang ang isang tao ay maligtas.

  2. Iwaksi ang Sama ng Loob Alisin ang lahat ng mapapait na saloobin sa ating mga puso at bantayan ang mga taong nagpapakalat ng sama ng loob. Ito ay nagiging tsismis, at ang mga mangmang ay nilalason ang puso’t isipan ng marami, at pagkaraan ay nagugulo ang pagkakaisa ng Iglesia.

  3. Babala Laban sa Pagtalikod Ang masama at ang mangmang ay sumisira sa pagkakaisa ng Iglesia. Bantayan ang isa’t isa na walang sinuman ang hahantong sa pagtalikod sa Diyos o mamuhay sa pagiging imoral tulad ni Esau. Tinatawagang pagsisihan ito at iwasan habang may pagkakataon pa.

Talakayan at Pagnilaynilay

  1. Mayroon bang isang kaugnayan sa pagitan ng kakulangan sa “Biyaya ng Diyos” at sama ng loob ng tao?

  2. Bakit nababahala ang may-akda tungkol sa mapait na saloobin para sa pamayanan ng mga Cristiano?

  3. Sa paanong paraan ang isang tao ay naihahalintulad kay Esau?

  4. Paano natin maisasabuhay ang mga katotohanang ito sa ating pamilya, growth groups, at komunidad ng Iglesia?