Ang Kwento ng Dalawang Bundok

Sulat sa Mga Hebreo - Part 38 • Mga Hebreo 12:18-24 • August 8, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Hinihimok ng may-akda ang mga bumabasa ng sulat na ipagpatuloy ang pamumuhay sa kapayapaan at kabanalan. Nagtagubilin siya na bantayan nila ang pamayanan ng mga mananampalataya mula sa ugali ng sama ng loob, imoralidad, at hindi pagkilala sa Diyos. Ang may-akda ay minsan pang magpapahayag tungkol sa walang hanggang pagpapala kay Cristo. Ipinapahayag niya ang kaibahan ng kaganapan sa Bundok Sinai at ang mga pagpapala kay Cristo, kung paanong ito ay diwa ng buong kasulatan. Ang konklusyon ay malinaw, na hindi dapat ipagpalit ang biyaya ni Cristo; at dapat manatili sa pananampalataya.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Hebreo 12:18-24 MBBTAG

18 For you have not come to a mountain that can be touched and to a blazing fire, and to darkness and gloom and whirlwind, 19 and to the blast of a trumpet and the sound of words, which sound was such that those who heard begged that no further word be spoken to them. 20 For they could not cope with the command, “If even an animal touches the mountain, it shall be stoned.” 21 And so terrible was the sight, that Moses said, “I am terrified and trembling.” 22 But you have come to Mount Zion and to the city of the living God, the heavenly Jerusalem, and to myriads of angels, 23 to the general assembly and church of the firstborn who are enrolled in heaven, and to God, the Judge of all, and to the spirits of the righteous made perfect, 24 and to Jesus, the mediator of a new covenant, and to the sprinkled blood, which speaks better than the blood of Abel.

Notes

Hinihimok ng may-akda ang mga bumabasa ng sulat na ipagpatuloy ang pamumuhay sa kapayapaan at kabanalan. Nagtagubilin siya na bantayan nila ang pamayanan ng mga mananampalataya mula sa ugali ng sama ng loob, imoralidad, at hindi pagkilala sa Diyos. Ang may-akda ay minsan pang magpapahayag tungkol sa walang hanggang pagpapala kay Cristo. Ipinapahayag niya ang kaibahan ng kaganapan sa Bundok Sinai at ang mga pagpapala kay Cristo, kung paanong ito ay diwa ng buong kasulatan. Ang konklusyon ay malinaw, na hindi dapat ipagpalit ang biyaya ni Cristo; at dapat manatili sa pananampalataya.

  1. Tungkol sa Bundok ng Sinai Pinaalalahanan ng may-akda ang mga bumabasa ng sulat sa mga nakakatakot na karanasan ng mga Israelita sa bundok ng Sinai. Ipinapakita sa mga Israelita ang nakakakilabot na kaganapan bilang isa sa mga pinakamahalagang kasaysayan; ito ang tipan sa panahon ni Moises (12:18-21).

  2. Tungkol sa Bundok ng Zion Ang pahayag ng may-akda tungkol sa kaibahan ng karanasan ng mananampalataya kay Cristo. Tinukoy niya ang bundok ng Zion na lungsod ng Diyos, at Jerusalem sa langit na kinaroroonan ng mga masasayang nagtitipong mga anghel (12:22). Nagsasalita ang may-akda sa kanilang kalagayang espirituwal at pag-asa sa hinaharap.

  3. Iglesia, Diyos, Cristo, ang Dugo Ang may-akda ay nagpaliwanag sa mga mananampalataya na lumapit sa mga pagtitipon ng mga hinirang, sa Diyos mismo, at ang Panginoong Jesus, na tanging tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao, at sa lahat ng nahugasan ng dugo ng kapatawaran (12:23-24).

Pagsasabuhay

  1. Matakot sa Diyos Huwag nating kalilimutan na ang ating Diyos ay tulad sa isang nagngangalit na apoy. Ang Diyos ay banal at makatuwiran, subalt ang mga taong makasalanan ay hindi. Kaya naman, kahit iginawad Niya sa atin ang Kanyang biyaya, hindi natin dapat kalimutan ang manatiling mamangha sa Kanya. Samakatwid, tayo’y matakot sa Panginoon.

  2. Unawain ang Ating Paninindigang Espirituwal Tayo’y magalak dahil sa ating pagpasok sa Jerusalem sa langit, isang espirituwal na katayuan sa lahat ng mga nakipag-isa kay Cristo. Ito rin ang pangakong lugar sa hinaharap para sa ating mga sumasampalataya. Sa gayon, nawa’y walang sinuman sa atin ang babalik sa maling pamumuhay na lumang kinagisnan ng ating mga kaluluwa.

  3. Pahalagahan ang Lahat mula sa Diyos Pahalagahan natin ang samahan ng mga tunay na mananampalataya, ang pamayanan ng Iglesia. Bigyang halaga ang Diyos, si Cristo, at ang Kanyang dugo. Ang lahat nating taglay kay Cristo ay mas nakahihigit kung ano ang kalagayan ng mga mamamayan sa Lumang Tipan.