Mga Usapin sa Buhay may Asawa

Series Break • Kawikaan 1:7, 5:18-20, 12:8, 31:23, 12:4, 21:19, 19:14 • Pebrero 14, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Ang bawat lalaki at babae ay dapat lumalago sa karunungan. Ang kabaligtaran ng karunungan ay kahangalan at kamangmangan. Sino ang magnanais na siya ay maging hangal at mangmang? Nakakagulat, dahil ang iba ay ginagawa ito. Ang iba ay nagsasabi na sila ay matalino ngunit sa katotohanan, namumuhay silang tulad ng mga hangal. 

Mahalaga sa buhay may-asawa ang paglago sa karunungan. Sino ang magnanais na mamuhay sa kahangalan at kamangmangan ang mag-asawa? Nakakagulat, marami ang nagsimula sa pag-aasawa na puno ng kahangalan at walang kaalaman. Ngunit ang magandang balita ay maaari nating ituon ang sarili sa Banal na Kasulatan na hitik at puno ng Karunungan ng Diyos.

Eddie Labios Jr. Pastor

 
 
 

Kawikaan 1:7 MBBTAG

7 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway.

Kawikaan 5:18-20 MBBTAG

18 Kaya nga ba't mahalin mo ang kabiyak ng iyong buhay,
ang ligaya ay lasapin sa mabango niyang kandungan.
19 Mabait siya at mahinhin, babaing kaakit-akit,
ligaya mo'y nasa kanya sa pitak ng kanyang dibdib.
20 Sa ibang babae ay huwag ka sanang paaakit,
ni huwag mong papansinin makamandag niyang halik.

Kawikaan 12:8 MBBTAG

8 Ang taong matalino'y magkakamit ng karangalan,
ngunit ang aanihin ng masama ay pagkutya lang.

Kawikaan 31:23 MBBTAG

23 Ang kanyang asawa'y kilala sa lipunan at nahahanay sa mga pangunahing mamamayan.

Kawikaan 12:4 MBBTAG

4 Ang mabuting babae ay karangalan ng asawa,
ngunit kanser sa buto ang masamang asawa.

Kawikaan 21:19 MBBTAG

19 Mas mabuti ang mag-isang manirahan sa ilang
kaysa makisama sa asawang madaldal at palaaway.

Kawikaan 19:14 MBBTAG

14 Namamana sa magulang ang bahay at kayamanan,
ngunit si Yahweh lang ang nagbibigay ng mabuting maybahay.

Notes

Ang bawat lalaki at babae ay dapat lumalago sa karunungan. Ang kabaligtaran ng karunungan ay kahangalan at kamangmangan. Sino ang magnanais na siya ay maging hangal at mangmang? Nakakagulat, dahil ang iba ay ginagawa ito. Ang iba ay nagsasabi na sila ay matalino ngunit sa katotohanan, namumuhay silang tulad ng mga hangal. 

Mahalaga sa buhay may-asawa ang paglago sa karunungan. Sino ang magnanais na mamuhay sa kahangalan at kamangmangan ang mag-asawa? Nakakagulat, marami ang nagsimula sa pag-aasawa na puno ng kahangalan at walang kaalaman. Ngunit ang magandang balita ay maaari nating ituon ang sarili sa Banal na Kasulatan na hitik at puno ng Karunungan ng Diyos.

  1. Babala: Sa asawang lalake

    1. Maging tapat sa asawang babae. Huwag magpaakit sa mapakiapid (5:18-20).

    2. Magtamo ng karunungan at ihanda ang sarili na ibahagi ang pananaw (12:8).

    3. Palaguin ang mataas na karangalan at respeto sa asawa (31:23)

  2. Babala: Sa asawang babae

  1. Huwag hiyain ang asawang lalake, lalo na kung nasa publiko (12:4).

  2. Huwag palagiang siya ay awayin na magbibigay daan upang siya ay lumayo sa iyo (21:19).

  3. Maging matalino at mahinahon sa lahat ng bagay, lalo na sa paghawak ng pera (19:4).

Ang Banal na Kasulatan ay nagsisilbing salaminan (mirror) ng ating kaluluwa. Tayo’y magdiwang sa kaloob nitong karunungang bigay sa atin ng Diyos. Ngunit mamuhay tayo na harapin ang ating mga kahinaan. Walang sinuman ang perpekto, subalit hindi lahat ay makakayanang harapin ang kanyang kasiraan. Hindi lahat ay handang aminin ang sariling pagkakamali. Mas gugustuhin nilang sisihin ang asawa sa mga pagkakamali.

Kung mas gusto mong sisihin kaysa suriin ang sarili, kung gayon ay nakakaawa ang iyong asawa dahil mahirap pakisamahan ang isang katulad mo. Nawa, ang biyaya ng Diyos ay sumagana sa kanya. At para sa iyo, matutunan mo sana ang pagkatakot sa Diyos.

Ang pagkatakot sa Diyos ay nagdudulot ng karunungan, pagkaunawa, at kaalaman (1;7). Ito ay ang pinakadakilang pag-uudyok na tayo’y magbago. Ang aklat ng Kawikaan ay paulit-ulit na sinasabi ang pagkatakot sa Diyos nang maraming beses. Ang sinumang hindi matakot sa Diyos ay magugumon sa kahangalan at kamangmangan.

Kaya’t ang bawat isa at bawat mag-asawa ay dapat matutunan ang pagkatakot sa Diyos. Loobin nawa ng Diyos, na ang bawat mag-asawa sa ating Iglesia ay lumago sa karunungan, na may kahulugang patuloy na paglago at lubusang pagpapasakop sa Diyos.